Target ng Pilipinas na maging 100% rice self-sufficient, isang taon bago matapos ang termino ng Marcos administration.
Sa statement, sinabi ng Department of Agriculture na sisikapin nilang maabot ang 100% self-sufficiency sa bigas pagsapit ng 2027 sa pamamagitan ng Masagana Rice Program 2023-2028.
Layunin ng Masagana Rice Program na ma-stabilize ang supply ng bigas sa bansa sa pagitan ng 24.99 million metric tons hanggang 26.86 million metric tons; maibaba ang rice inflation ng less than 1% kada taon; maitaas ang kita ng mga magsasaka ng 54%: at matiyak ang rice availability at safety sa lahat ng panahon.