Kontaminado ang tubig sa 26 ng 35 “sampling stations” ng Puerto Galera ayon sa Department of Health (DOH) at Department of Environmental and Natural Resources (DENR).
Base sa pinagsamang ulat ng dalawang kagawaran, 9 na sampling stations lang ang pumasa sa itinakdang criteria para sa kalidad ng tubig ng DENR Administrative Order 2016-08, kabilang dito ang;
Small Lalaguna at Big Lalaguna Shoreline, Balete, Central Sabang Shoreline, Coco Beach, Batangas Channel, Paniquian, Balatero at West San Isidro Bay.
Payo ng DOH sa publiko, mag-ingat sa pag-inom ng tubig, pagkain ng kontaminadong isda, shellfish, at iba pang seafoods sa mga lugar na bagsak ang kalidad ng tubig, dahil sa maaring magdulot umano ito ng sakit.
Samantala, hindi naman direktang tinukoy ng D.O.H na ang oil spill sa Negros Oriental ang dahilan ng pagbagsak ng kalidad ng tubig sa lalawigan.