dzme1530.ph

Pilipinas, nakapagtala ng pinakamababang antas ng terorismo noong 2022 —Global Terrorism Index

Nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamababang antas ng terorismo noong 2022.

Batay sa datos ng Global Terrorism Index (GTI), isang report mula sa Think Tank Institute for Economics and Peace, naitala sa bansa ang 20 pag-atake ng mga terorista na naganap noong nakaraang taon kung saan 18 ang nasawi, 38 ang sugatan at zero o walang hostage incident.

Bumuti rin ang ranking ng Pilipinas kaugnay sa nasabing usapin kung saan umangat ito sa ika-18 pwesto mula sa ika-17 noong 2021.

Sa kabila nito, nananatiling pangalawa ang Pilipinas sa timog-silangang Asya na pinakanaapektuhang bansa ng terorismo.

Nangunguna pa rin ang Myanmar sa rehiyon, pangatlo ang Indonesia at pang-apat ang Thailand.

About The Author