Muling niyanig ng mga pagsabog ang kabisera ng Sudan na Khartoum sa gitna ng umiigting na sagupaan sa pagitan ng regular army at paramilitaries.
Sa ikatlong araw ng kaguluhan, umakyat na sa 97 ang nasawi.
Sumiklab ang gulo matapos ang ilang linggong agawan sa kapangyarihan ng Army Chief ng Sudan na si Abdel Fattah Al-Burhan at kanyang deputy na si Mohamed Hamdan Daglo, na Commander ng makapangyarihang paramilitary rapid support forces.
Bukod sa mga nasawi ay daan-daang sibilyan din ang nasugatan sa mga sagupaan.