Target ng Department of Migrant Workers (DMW) na makumpleto sa katapusan ng Abril ang listahan ng mahigit 10,000 Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran ang mga suweldo at benepisyo.
Ginawa ng DMW ang pahayag matapos ipangako ng ahensya na reresolbahin nila ang isyu ng mga OFW pagsapit ng katapusan ng 2023.
Sinabi ni DMW secretary Susan “Toots” Ople, nais ng Saudi Government na magpadala sila ng listahan pagkatapos ng Ramadan at inimbitahan siya para sa bilateral talks kasama ang kanyang counterpart sa May 24.
Bunsod nito, hinimok ni Ople ang mga apektadong OFW na sumulat sa DMW at ibigay ang mga detalye ng kanilang unpaid claims, kabilang ang pangalan ng kanilang dating saudi employer, iqama number o saudi residence permit, passport number, contact details at ipadala sa isang dedicated email para sa naturang usapin na [email protected].