dzme1530.ph

SIM Card Registration Act, pinadedeklara bilang unconstitutional

Hiniling ng mga petitioner sa Supreme Court na ideklara ang Republic Act 11934, o ang Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act, bilang unconstitutional o labag sa batas.

Giit ng mga petitioner sa kataas-taasang hukuman, sinisikil ng mandatory sim registration ang kanilang karapatan sa freedom of speech at right against unreasonable searches and seizures, pati na ang right to substantive due process.

Kabilang sa mga petitioner ay ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), gayundin sina Journalist Ronalyn Olea, Lumad leader at former Bayan Muna Partylist Rep. Eufemia Cullamat, Bayan Secretary-General Renato Reyes Jr., Information Technology Professional Maded Batara III ng Junk SIM Registration Network, Danilo Hernandez Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at Atty. Michael Christopher de Castro.

Nais ng mga ito na itigil ang paggamit, pagtabi, paglipat, at pagproseso ng lahat ng impormasyong nakalap sa SIM registration at sirain ang mga datos na nakalap na.

About The Author