dzme1530.ph

Pagkuha ng mga OFW, planong palakasin ng Czech Republic

Pagkuha ng mga OFW, planong palakasin ng Czech Republic

Pina-plano ng Czech Republic na palakasin pa ang pagkuha ng Overseas Filipino Workers para mag-trabaho sa kanilang bansa.

Sa joint press briefing sa Malacañang matapos ang bilateral meeting kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihayag ni Czech Prime Minister Petr Fiala na labis na kuntento ang Czech companies sa mga Pinoy.

Pinuri rin nito ang sistema ng pagre-recruit ng mga manggagawa ng Pilipinas para mag-trabaho sa ibang bansa.

Kaugnay dito, sinabi ni Fiala na tinatalakay na nila ang posibleng pag-expand sa migration for work scheme.

Samantala, umaasa rin si Fiala na ang kanyang pag-bisita sa Pilipinas ay magiging bagong simula sa matagumpay na kooperasyon ng mga kumpanya ng dalawang bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author