Kinumpirma ng BOC – Port of Clark, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang pagsakote sa claimant ng shipment na naglalaman ng 2,378 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P3,923,700.00 noong Abril 13, 2023.
Ayon sa BOC, natuklasan nila ang mga iligal na droga sa isinagawang physical examination noong Abril 12 ng isang shipment na galing mula sa California, USA, na idineklarang “Tevana Green Herbal Tea” ang laman ng kargamento.
Ganun pa man, ay sumailalim ito sa K9 sniffing, at X-Ray scanning procedures, at physical examination, na humantong sa pagkadiskubre ng limang lata na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang Kush Marijuana.
Agad na kinuha ang mga sample ng PDEA para sa chemical laboratory analysis, sa huli nakumpirma ang pagkakaroon ng Tetrahydro-cannabinol o Marijuana.
Kaya nitong Abril 13, ikinasa ang pagdakip base na rin sa controlled delivery operation ng magkasanib na elemento ng Port of Clark at PDEA sa address ng consignee sa Sta. Cruz, Maynila, na humantong sa pagkakaaresto sa isang 27-anyos na lalaking claimant.
Si District Collector John Simon ay maglalabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Seksyon ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at (R.A.) No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kaugnay nito Pinasalamatan ni District Collector John Simon at ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang mga tauhan nito, at PDEA sa suporta sa mga drug apprehension.
Tiniyak rin kagawaran na paiigtingin, at palalakasin pa ang “Ang Anti-Drug Smuggling effort, at babantayan ang mga hangganan upang matiyak na hindi makakapasok ang mga ilegal na droga, at pagkolekta ng kita ay na patunay na ang mga tauhan ng BOC ay nakatuon sa mga direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News