Buo na dapat at hindi bubuuin pa lang ang anumang evacuation plan o contingency measure para sa mga OFW sa anumang panig ng mundo.
Ito ang nagkakaisang pahayag nina Senators Francis Tolentino, Koko Pimentel at Chiz Escudero bilang reaksyon sa pinangangambahang girian sa pagitan ng Taiwan at China.
Sinabi ni Tolentino na dapat may koordinasyon na rin sa mga civilian commercial passenger ships kung kinakailanhan na ang immediate evacuation sa mga OFW sa Taiwan.
Inihayag naman ni Pimentel na dapat ay kasama na sa programa ng bansa ang paglilikas sa mga OFW na siyang sentro ng ating foreign policy.
Dapat aniya sa panahon ng anumang emergency ay hinuhugot na lang ang folder ng plano sa shelf.
Iginiit naman ni Escudero na ang paghahanda sa anumang contingency ay dapat bahagi na ng trabaho ng mga embahada at konsulado. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News