Nasa kamay na ng Department of Justice ang pagsusulong kung dapat ideklarang terorista si suspended Cong. Arnolfo Teves.
Ito ang binigyang-din ni Senador Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa kasunod ng pahayag ni Justice Sec. Crispin Remulla na ikinukunsidera nilang ipa-designate at ipa-proscribe si Teves bilang terorista.
Sinabi ni dela Rosa na mas alam ni Remulla ang Anti-Terrorism Law kaya’t ipinauubaya na nya sa kalihim ang hakbangin.
Ipinagkibit balikat naman ni dela rosa ang naging puna ng kampo ni Teves sa isinagawa nilang pagdinig.
Sinabi ni dela Rosa na inaasahan na niyang hindi maganda ang reaksyon ng kampo ni Teves makaraang hindi ito payagang humarap sa pagdinig virtually.
Nilinaw naman ng senador na bukas pa rin ang Senado kay Teves kung nais na nitong dumalo ng personal.
Mamayang alas-10 ng umaga ay ipagpapatuloy ng kumite ang pagdinig sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pang lokal na opisyal. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News