dzme1530.ph

LTO, inalis na ang periodic exam requirement para sa driver’s license holders

Hindi na kailangan ng mga driver na nagma-may-ari ng lisensya na mayroong 5-year at 10-year validity na sumailalim sa periodic medical examinations, ayon sa Land Transportation Office.

Ito’y makaraang ipinag-utos ni LTO chief Jay Art Tugade na alisin na ang naturang requirement upang mabawasan ang gastos ng mga motorista.

Sa ilalim ng umiiral na panuntunan, ang mga holder ng driver’s license na may validity ng limang taon ay kailangang mag-secure ng medical clearances sa ikatlong birthdate nito mula nang i-isyu ang lisensya.

Ang mga mayroon namang 10-year validity ay kailangang sumailalim sa medical examination sa ika-apat at ika-pitong birthdates mula nang isyuhan sila ng lisensya.

About The Author