Nananatiling “uncontaminated” ng malawakang oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa Naujan, Oriental Mindoro ang Puerta Galera.
Batay sa report mula sa Office of the Civil Defense, sinabi ni Puerto Galera mayor Rocky Ilagan na as of April 15 ay kumalat na ang oil slick sa 84 barangays mula sa sampung munisipalidad ng lalawigan, subalit kasama rito ang Puerto Galera.
Una nang inihayag ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hindi inirerekomenda ng ahensya na ipagbawal ang water activities sa Puerto Galera, subalit napabilang na ito sa random test sampling upang masuri ang tubig nito.
Paliwanag ni Vergeire, hindi pa naman conclusive ang data, kasabay ng pagtiyak na ipagbabawal ng DOH sa publiko ang paggamit o pagkonsumo ng tubig sa naturang munisipalidad kung mapatutunayan na mayroong chemical contamination na maaring magdulot ng panganib sa katawan.