dzme1530.ph

Rice crisis noong 2018, posibleng maulit ngayong taon

Posibleng maharap muli ang bansa sa rice crisis ngayong taon gaya noong 2018, ayon sa Federation of Free Farmers Cooperatives (FFFC), dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo at kakapusan sa suplay ng bigas.

Ayon kay FFFC national manager Raul Montemayor, bagaman inaasahang sasapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang Hunyo, posible aniyang maranasan ang kakulangan sa bigas mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon.

Dahil dito ani Montemayor, hindi dapat hayaan ng gobyerno na maulit ang krisis sa halip ay maghanap ng solusyon.

Kung ikukumpara aniya ang senaryong nararanasan ngayon kumpara noong 2018, may kapangyarihan ang National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng bigas, na wala sa kanilang mandato ngayon dahil sa Rice Tarrification Law.

About The Author