Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang oil companies, bukas!
Batay sa pagtataya ng local oil industry sources, posibleng maglaro sa ₱0.40 hanggang ₱0.70 ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.
Magkakaroon naman ng hanggang ₱0.30 centavos na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, habang ang patong sa presyo ng kerosene o gaas ay maaari lang umabot sa ₱0.20 kada litro.
Ito na ang ikatlong sunod na pagkakataon na magtataas ang presyo ng gasolina at kerosene sa bansa.