Patay ang aabot sa 18,000 baka matapos ang malawakang sunog sa South Fork Dairy Farm sa Dimmitt, Texas.
Kabilang sa nadamay ang isang dairy farm worker at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon kay Dimmitt Mayor Roger Malone, ito ang kauna-unahan at pinakamalaking insidente ng pagkamatay ng mga baka sa bansa, mula noong nagsimulang subaybayan ng animal welfare institute, ang mga sunog sa sakahan noong 2013.
Sinabi naman ni Allie Granger, isang policy associate sa Institute, mas malala pa aniya ito sa nangyaring sunog noong 2020 sa isang Upstate na Dairy Farm sa New York na kumitil sa buhay ng humigit-kumulang 400 baka.