dzme1530.ph

Abot-kayang edukasyon at pagsasanay sa mga drayber, simula na bukas —LTO

Napagkasunduan ng Land Transportation Office (LTO) at ang grupo ng mga driving school sa pagbibigay ng mas abot-kayang halaga ng driver’s education, partikular na ang inaprubahang maximum prescribed rates na paiiralin na simula bukas sa Abril 15.

Pinulong ng LTO ang mga miyembro ng Association of Accredited Driving Schools of the Philippines, Inc. (AADSPI), Philippine Association of LTO Accredited Driving Schools (PALADS), at iba pang kumpanya ng driving school sa bansa.

Nagpahayag ng suporta ang mga driving school sa layunin ng LTO na ibaba ang presyo at maging makatwitan sa publiko kung kaya’t ibinalangkas ang panuntunan ng ahensya sa ilalim ng Memorandum Circular No. JMT 2023-2390.

Alinsunod sa Memorandum, nasa kabuuang P3,500 ang maximum na halaga ng Theoretical at Practical Driving Courses sa mga magmamaneho ng motorsiklo habang nasa P5,000 naman para sa light vehicle. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author