dzme1530.ph

Situational report ng CHR sa graduates ng panahon ng pandemic, kwestyonable —Sen. Escudero

Kwestyonable para kay Senator Chiz Escudero ang basehan ng pag aaral ng Commission on Human Rights na nagsasabing walang sapat na soft skills ang mga bagong graduates kayat nahihirapang makakuha ng trabaho.

Sinabi ni Escudero na dapat isinaalang-alang sa pag aaral ang mga available na trabaho dahil patuloy pang bumabangon ang bansa mula sa pinsalang dinulot ng pandemya.

Tanong pa ni Escudero kung ilan ang naging respondents sa pag aaral ng CHR at ano ang ginamit nilang paaraan para sukatin ang soft skills ng mga nagsipagtapos na mag aaral.

Ayon kay Escudero, nais muna nyang mabasa ang buong nilalaman ng pag aaral bago ito husgahan.

Sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros na matagal ng problema ng sektor ng edukasyon ang kabiguang mabigyan ng sapat na kakayanan ang mga nagsisipagtapos na mag aaral.

Dahil dito umaasa si Hontiveros na bubuo ang EDCOM 2 ng bagong diskarte upang matugunan ang matagal nang problema ng education sector. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author