dzme1530.ph

Cashless payment sa mga palengke at traysikel, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ng gobyerno ang planong pagpapatupad ng cashless payment sa mga palengke at pamasahe sa mga tricycle sa buong bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ito ay sa pamamagitan ng Quick Response (QR) code.

Makakatuwang anila sa proyektong “Paleng-QR Ph Plus” ang Land Bank of the Philippines.

Kabilang din sa mga tinitingnan ng pamahalaan ang cashless payment sa mga local transport drivers na inisyatibo ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Interior and Local Government (DILG).

Matatandaang Agosto 2022 nang ilunsad ang programa sa mga piling palengke sa mga pangunahing siyudad at ngayon ay plano ng ipatupad sa buong Pilipinas.

About The Author