dzme1530.ph

51% approval rating na nakamit ng House Speaker, patataasin pa

Inspirasyon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para lalo pang magsumikap, ang 51% approval rating na nakamit nito sa March 2023 survey ng Pulse Asia.

Sa March 15 to 19 “Ulat ng Bayan” nationwide survey ng Pulse Asia, nagrehistro ng 51% approval rating si Romualdez at SP Miguel Zubiri, high of 78% si PBBM, mas matayog na 83% ang kay VP sara Duterte, habang 43% si SC Chief Justice Alexander Gesmundo.

Aniya, isa itong kasiyahan na malaman na majority ng mga Pilipino ay ina-appreciate ang kanilang effort sa legislative branch.

Dahil dyan nangako si Romualdez na lalo pa silang magpupunyagi para pagtibayin ang 8-point socioeconomic agenda ni PBBM na magpapa-angat sa kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Nabatid sa survey na 57% ng mga taga Metro Manila ay aprubado ang performance si Romualdez, 77% sa Visayas, 58% sa Mindanao, habang 66% ang nasa hanay ng class-C.

Ang Pulse Asia survey ay isang linggo lamang ang pagitan ng ilabas din ng SWS ang kanilang 2022 4th quarter survey kung saan nakamit ni Romualdez ang “very good”o +56% net satisfaction rating.

About The Author