dzme1530.ph

Mahinang kakayahan ng mga fresh graduates, ikinabahala

Nabahala si Rizal 4th Dist. Rep. Fidel Nograles, sa report ng Commission on Human Rights (CHR) hingil sa mahinang kakayahan ng mga fresh graduates o tinaguriang “pandemic generations.”

Sa report ng CHR, lumitaw na hirap makakita ng trabaho ang karamihan sa newly graduates dahil sa kakulangan ng “soft at practical skills” na nahuhubog sa face-to-face classes.

Dahil dyan ayon sa chairman ng House Committee on Labor and Employment, kailangan may gawing hakbang ang gobyerno upang ma-address ang gap na ito.

Paliwanag ni Nograles, malawak ang findings ng CHR dahil produkto ito ng komprehensibong talakayan ng mga opisyal ng pamahalaan, employers, school teachers, administrators, principal at kabataan.

May naranasan ding “culture shock” sa workplace ang mga fresh graduates dahil iba ang kanilang expectations kumpara sa natutunan sa eskwelahan.

Lumitaw din sa report na ang “lack of job readiness” ay dahil dumaan lang sila sa ‘virtual internships’ kaya ang skills na kanilang natutunan via online ay hindi mai-translate sa actual practice.

Para kay Nograles masyadong dehado sa ‘job hunting’ ang mga new graduates dahil mismong ECOP ang umamin na prioritized i-hire ng maraming kumpanya ang mga dating empleyado na tanggal sa trabaho dahil sa pandemya. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author