dzme1530.ph

Mahigit 40k food packs para sa naapektuhan ng bagyong Amang, inihahanda na ng DSWD

Naghanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 40,088 family food packs (FFPs) para sa mga lugar sa Eastern Visayas na naapektuhan ng bagyong Amang.

Nagkakahalaga ang food supplies ng ₱26.98-M at nakalagak na sa mga bayan ng Allen at Biri sa Northern Samar; Jipapad, Taft, at sa Guiuan sa silangang Samar; Almagro at Santo Niño sa Samar; Maripipi Island, Kawayan, at Naval sa Biliran Province, Sogod, Southern Leyte; at DSWD Regional Resource Operations Center sa Palo, Leyte.

Ang food packs ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, apat na lata ng tuna flakes, dalawang lata ng sardinas, limang sachet ng kape at limang sachet ng cereal drinks.

Kabilang rin sa mga inihanda ng kagawaran ang halos 15,000 non-food items na nagkakahalaga ng ₱20.02-M.

About The Author