dzme1530.ph

PAGPAPALAWIG NG COVID-19 STATE OF CALAMITY HANGGANG 1ST QUARTER NG 2023 INIREKOMENDA NG PHAPI

Inirekomenda ng Private Hospitals Association of the Philippines ang pagpapalawig ng State Of Calamity sa bansa dahil sa COVID-19, hanggang sa unang quarter ng 2023.
Ayon kay PHAPI President Dr. Jose De Grano, naglalaro pa rin sa labing pitong libo ang active cases ng COVID-19 sa bansa, at maaari pa itong tumaas bunga ng niluwagang health protocols at tumaas na mobility sa harap ng nalalapit na holiday season.
Matatandaang sumipa sa 9.2% ang seven day COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, at nakikita ng Octa Research Group ang posibleng pag-uumpisa ng panibagong wave ng virus.
Sa kabila nito, sinabi ng PHAPI na hindi pa ramdam sa ngayon ang pagdami ng mga pasyenteng may COVID-19 sa mga ospital, dahil karamihan sa mga tinatamaan nito ay mild to moderate lamang ang sintomas.
Ang State Of Calamity dahil sa COVID-19 ay mag-eexpire na sa December 31, 2022.

About The Author