dzme1530.ph

LIMANG DATING SPEAKER, NAGSAMA-SAMA SA ISANG OKASYON PARA MAGBIGAY PUGAY KAY 5-TIME SPEAKER JOSE DE VENECIA

Loading

Sa bibihirang pagkakataon nagsama-sama ang limang dating Speaker of the House of Representatives sa isang okasyon na dinaluhan din ng mga diplomat. 

 

Nagkaisa sina Incombent Speaker Faustino Bojie Dy III,  Former President at Speaker Gloria Macapagal Arroyo, Former Senate President at Speaker Manuel Villar, at Former Speakers Feliciano Belmonte Jr. at Ferdinand Martin Romualdez sa tribute kay five-term Speaker Jose De Venecia Jr. 

 

Para kay Speaker Dy, nagamit ng tama ni JDV o Tito Joe kung kanya itong tawagin ang gavel kaya limang beses itong namuno sa kamara. 

 

Binalikan naman ni GMA ang partnership nila ni JDV mula sa pagiging running mate noong 1992 Elections hanggang sa maupong pangulo habang speaker naman ito. 

 

Binalikan din ni Villar ang abilidad ni JDV sa pagsusulong ng dayalogo at aksyon. 

 

Para kay belmonte, statesman at diplomat par excellence si JDV. 

 

Sa panig ni Romualdez inalala nito ang 5-times speaker bilang ‘founder, builder at unifier.’ 

 

Bukod sa limang dating speaker, nagbigay respeto din ang mga dating kasamahan at diplomatic community mula South Korea at Middle East.

About The Author