![]()
Iminungkahe ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima ang pag-buo ng isang independent body na tatawaging Joint Congressional Commission on Justice System Reform o JCCJSR.
Sa kanyang House Bill No. 7635, ang JCCJSR ang magsasagawa ng comprehensive assessment sa justice sector’s institutional capacity, procedural rules, at enforcement mechanisms.
Hangad nitong mapabilis ang pag-iimbestiga, prosecution, at adjudication ng lahat ng kaso, kabilang ang mga public-officials na sangkot sa large-scale corruption.
May power din ang JCCJSR na magrekominda ng mga hakbangin para mag-improve ang efficiency, accountability at transparency.
Binigyan punto ni de Lima ang ‘perennial massive corruption sa pamahalaan gaya ng flood control scam ay nagpapakita ng ‘insti-tutional weaknesses sa criminal justice at public procerement system, kabilang ang aniya gap sa oversight, judicial delays, at politicized process.
Ang pag-institutionalize sa coordinated reform mechanism sa pagitan ng Senate at HOR, idagdag pa ang expertise ng independent specialists, magagawang i-modernize ang justice institutions, mapapalakas ang anti-corruption frameworks, at mababawasan ang case backlog, maibabalik ang public confidence sa rule of law.
