dzme1530.ph

DOJ Remulla nakatakdang dumalo sa isasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay Degamo Killing 

Kinumpirma ni Justice secretary Boying Remulla na dadalo siya sa imbestigasyon ng senado hinggil sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Degamo sa April 17.

Inaasahang ibabahagi ni Remulla ang status ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpatay kay Degamo.

Ayon kay Remulla, sigurado siya na may mga katanungan ang mga senador na nais nilang malaman gayundin ang mga hakbang na kanilang ginagawa sa nasabing kaso.

Una nang sinabi ng DOJ na itinuturing nilang isa sa mga mastermind ng pamamaril si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

Sa ngayon, wala pang ibinibigay na detalye ang kampo ni Teves kung uuwi ang mambabatas sa Pilipinas.

Kung kaya’t itinuturing ni Remulla na may posibilidad na guilty si Teves dahil umiiwas ito sa mga akusasyon laban sa kaniya. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author