dzme1530.ph

System, networks ng gov’t agencies, inaatake ng hacker

Aabot sa 3,000 ”High Level” Cyberattacks ang naitala sa Pilipinas mula 2020 hanggang 2022.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary Jeffrey Ian Dy, nasa kalahati ng naturang bilang ang kaso ng pag-atake sa system at networks ng mga ahensiya ng gobyerno at emergency response teams.

Nasa 54,000 cyber threats aniya ang naitala sa loob ng nasabing panahon, hindi pa kasama ang nasa limang government agency na nakapagtala ng hacking incident mula magsimula ang taon.

Samantala, Ayon pa kay Dy, maraming cybersecurity professionals ang mas pinipiling magtrabaho sa pribadong kompaniya at ibang bansa dahil sa mas mataas na sahod.

Ito aniya’y isa sa dahilan sa mabagal na pagtugon sa cyberattacks, gayung hindi sapat ang 300 certified information security systems professionals na mayroon ang Pilipinas.

About The Author