dzme1530.ph

CONG. SANDRO MARCOS, MAG-IINHIBIT SA MGA AKTIBIDAD NA MAY KINALAMAN SA IMPEACHMENT

Loading

Hindi makikibahagi si House Majority Floor Leader Sandro Marcos sa lahat ng aktibidad ng committee on rules na tampok ang impeachment complaint laban sa kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa batang Marcos, ang kanyang desisyon ay hindi dahil sa bawal siyang makisali, kundi nais nitong panatilihin ang integridad ng kamara, protektahan ang kredibilidad ng proseso, at pangibabawin ang public trust at constitutional system.

Paliwanag pa ni Marcos, maliwanag sa kanya ang rules of the house na hindi siya require na mag-inhibit, at kumpiyansa rin sa independence at professionalism ng kanyang mga kasamahan, subalit bilang lider minsan aniya kailangan mong maghinay-hinay lalo na kung sinusubok ang integridad ng institusyon.

Giit pa nito, kailangan magpatuloy ang kamara sa kanyang constitutional duties ng walang “shadow of personal interest.

Ginawa niya umano ito hindi dahil umaatras siya, sa halip pagkilala na ang “public office is a public trust.

 

About The Author