dzme1530.ph

ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL, DAPAT UNTI-UNTIIN UPANG TULUYAN NANG MAKALUSOT

Loading

IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III na mas makabubuting unti-untiin ang pagsusulong ng Anti-Political Dynasty Bill upang matagumpay na itong mailusot bilang batas. 

 

Sa mungkahi ni Sotto, maaari itong simulan sa lokal na pamahalaan kung saan nagiging opisyal ang mga mag-asawa, o mag-aama, mag-iina at iba pang magkakamag-anak. 

 

Inamin ng senate leader na hindi maiiwasan na sadyang may kokontra sa  mga mambabatas sa isinusulong na anti-political dynasty.

 

Dapat din anyang klaro na magiging magkatulad ang patakaran kontra sa political dynasty para sa mga lehitimo at hindi lehitimong pamilya.. 

 

Kasabay nito, iginiit ni Sotto na dapat na ring ayusin ang partylist system para maibalik sa orihinal nitong layunin na ilaan ito sa marginalized sectors. | Via Dang Garcia

About The Author