dzme1530.ph

DILG SEC. REMULLA, IGINIIT NA IPINAGBABAWAL ANG DOUBLE COMPENSATION SA MGA OPISYAL NG GOBYERNO

Loading

Iginiit ni Interior Secretary Jonvic Remulla na mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga pulis, ang tumanggap ng dalawang sweldo mula sa magkaibang posisyon.

Kaugnay ito ng isyu sa optional retirement ni dating PNP Chief Nicolas Torre III na kasalukuyang nagsisilbi bilang general manager ng MMDA.

Ayon kay Remulla, kung tumatanggap pa si Torre ng sweldo mula sa PNP habang may sahod na sa MMDA, kailangan niyang isauli ang anumang sobra nitong natatanggap.

Dagdag pa ni Remulla, nasa Malacañang na ang desisyon sa usapin ng retirement ni Torre at hindi ito maipipilit kung walang pinirmang mga dokumento.

About The Author