![]()
Ibinunyag ni Batangas Rep. Leandro Leviste ang listahan ng contractors na aniya ay nakakuha ng pinakamalalaking kontrata sa pamahalaan na galing sa Unprogrammed Appropriations noong 2023 at 2024.
Sinabi ni Leviste na batay sa records ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakuha niya sa isang insider sa ahensya, nakakuha ang Sunwest Inc. ng 11 billion pesos na kontrata.
Habang pumangalawa ang MG Samidan Construction na may 6.8 billion pesos na nakuhang kontrata.
Binigyang diin din ng opisina ni Leviste na ang listahan ng unprogrammed appropriations ay base sa Special Allotment Release Orders (SAROS), na maaring ma-access ng publiko, at ang mga contractor ay makikita sa DPWH transparency portal.
