dzme1530.ph

FDI net inflows, bumagsak sa 20-month low noong Enero

Bumagsak sa 20-month low ang Foreign Direct Investments (FDIs) ng bansa noong Enero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa datos na inilabas ng BSP, $448 million ang FDI net inflows noong unang buwan ng 2023, mas mababa ng 45.7% kumpara sa $824 million na naitala noong January 2022, at sa $634 million noong Disyembre.

Pinakamababa ito sa nakalipas na 20 buwan mula nang maitala sa bansa ang $426 million na net inflow noong May 2021.

Ayon sa BSP, resulta ito ng pagbaba ng non-residents’ net investments sa debt instruments at equity capital.

Idinagdag ng Central Bank na bumagsak ang FDI net inflows sa naturang buwan sa gitna ng global economic uncertainties at mataas na inflation.

About The Author