dzme1530.ph

PNP, pinag-iingat ang publiko sa holiday scams

Loading

Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na maging maingat laban sa mga panlilinlang ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa PNP, bago bumili lalo na online, suriing mabuti ang official page ng tindahan, history ng seller, at reviews ng produkto. Iwasan ang kahina-hinalang mensahe, delivery notice, phishing email, o pag-click sa hindi kilalang link.

Sa pagbabayad, mas mainam ang cash on delivery (COD) at iwasang magpadala ng pera sa hindi kilalang account. Siguraduhing naka-activate ang two-factor authentication at huwag i-share o ibahagi ang password maging ang one-time pin (OTP).

Nagpaalala rin ang PNP na mag-ingat sa mga scam kung saan may nag-iimpostor bilang kaibigan o kamag-anak, at agad i-report ang kahina-hinalang aktibidad sa bangko, e-wallet provider, o pinakamalapit na police station.

About The Author