Target ng COMELEC na ilabas ang listahan ng mga rehistradong botante sa October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa August 1.
Inatasan ng poll body ang Local Election Registration Boards na kumpletuhin ang verifications ng Election Day Computerized Voters Lists at Posted Computerized Voters Lists bago o sa July 27.
Inatasan din ang Election Registration Board na huwag isama dito ang mga pangalan ng rehistradong botante na lumipat na, mayroong doble o multiple registration records dahil sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS), mga botanteng namatay na at ang mga mayroong court exclusion order.
Ayon pa sa poll body ang mga indibidwal na nakakuha ng court inclusion order at ang mga natanggal sa listahan sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System dahil sa maling encoding ng type of application sa voter registration system ay dapat na maisama sa listahan ng mga botante.
Sa ilalim kasi ng Voter’s Registration Act, minamandato ang election registration board na maghanda at magpaskil ng certified list ng mga botante 90 araw bago ang pagdaraos ng regular election.
Sa pinakahuling datos ng COMELEC, mayroong 68,557,452 registered voters para sa Barangay Elections habang ang registered youth voters naman ay umakyat na sa 23,479,978.
Nakatakda namang isagawa ang Barangay ar SK Election sa Oktubre 30. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News