Nakikiisa ang Malacañang sa pagdiriwang ng Filipino Food Month ngayong buwan ng Abril.
Ayon sa Presidential Communications Office, ito ang sumasalamin sa mayaman at masaganang kultura at tradisyon sa pagkaing Pilipino.
Kaugnay dito, tiniyak ng Palasyo na nananatiling pangunahing programa ng Administrasyong Marcos ang seguridad sa suplay ng pagkain, pagpapaunlad ng agrikultura, at pagpapalakas ng lokal na produksyon katuwang ang iba’t ibang sektor.
Matatandaang inilunsad ng gobyerno ang Philippine Multisectoral Nutrition Project para sa pagpapalakas ng kampanya laban sa child stunting o pagka-bansot ng mga bata dahil sa kakulangan ng nutrisyon.
Ang selebrasyon ng Filipino Food Month ngayong taon ay may temang “Pagkaing Sariling Atin, Mahalin at Pagyamanin”, kung saan binibigyang-pugay din ang mga magsasaka at mangingisda na naghahatid ng pagkain sa bawat hapag-kainan ng pamilyang Pilipino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News