dzme1530.ph

Resulta ng imbestigasyon sa konstruksyon ng barkong nagdulot ng oil spill sa oriental Mindoro, inaasahang lalabas na ngayong buwan

Inaasahang mailalabas na ngayong buwan ng Abril ang resulta ng imbestigasyon sa konstruksyon o pagkakagawa sa MT Princess Empress, ang barkong lumubog at nagdulot ng oil spill sa Oriental Mindoro at mga katabing isla.

Sa press briefing sa Palasyo, inihayag ni Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Hernani Fabia na sa ngayon ay wala pang ibinibigay na ulat ang binuong fact-finding team.

Sinabi ni Fabia na kailangan pang pumunta ng investigation team sa Bicol Region, at gayundin sa NCR at Region IV.

Kailangan ding puntahan ang shipyard kung saan posibleng ginawa ang barko.

Matatandaang ipinalutang ni Justice sec. Boying Remulla na sobrang tanda na ng MT Princess Empress at dapat na itong sirain, taliwas sa mga nagsasabing bagong gawa lamang ito. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

About The Author