![]()
Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa publiko na handa ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Undas 2025.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Jose Ines, nagtutulungan ang Department of Transportation (DOTr) at New NAIA Infra Corporation (NNIC) upang masiguro ang kahandaan sa lahat ng terminal sa panahon ng holiday rush.
Upang pamahalaan ang inaasahang dami ng pasahero, in-activate na rin ang Oplan Undas 2025 at may karagdagang deployment ng mga kawani para tumulong sa mga pasahero, kabilang ang security screening at crowd management.
May koordinasyon din sa mga airline, sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang mapanatili ang efficient terminal operations at on-time flights.
Para matiyak ang maayos na paglalakbay, pinapayuhan ang mga pasahero na dumating nang maaga o tatlong oras bago ang international flight at dalawang oras bago ang kanilang domestic flight.
