dzme1530.ph

DOTr, iprinesenta ang mga proyektong target tapusin bago ang ikalawang SONA ng Pangulo

Iprinisenta ng Dep’t of Transportation sa sectoral meeting sa Malacañang ngayong araw ng Martes, ang mga proyektong inaasahang matatapos bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DOTr sec. Jaime Bautista na karamihan sa mga proyekto ay nakatuon sa aviation, road sector, at maritime sector.

Sa Aviation Industry, target tapusin sa Hunyo ang maintenance sa 18 airports sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa Maritime sector, iniulat ang target na pag-kumpleto sa Hunyo sa pagtatayo ng 20 ports o pantalan.

Sa Road sector, sisikapin namang tapusin ang paglalagay ng bike lanes sa mga kalsada.

Samantala, iniulat din ni Bautista kay Marcos ang finalization ng contract packages para sa Metro Manila Subway, Developments sa MRT-7 na matatapos sa June 2025, at LRT 1 extension mula Baclaran hanggang Sucat, Parañaque na maku-kumpleto sa 2024. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author