![]()
Halos 50% ang ibinaba ng budget ng Senado para sa susunod na taon kumpara sa pondo nito ngayong 2025.
Ang pondo ngayong 2025 ng Senado ay umaabot sa ₱13.93 billion habang para sa susunod na taon ay ipinapanukala ito sa ₱7.52 billion.
Sa pagtalakay sa panukalang pondo sa Senado, sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. na ang orihinal na hiniling ng Senado na pondo para sa susunod na taon ay ₱9.67 billion subalit binawasan ito ng DBM ng ₱2.1 billion.
Tiniyak naman ni Senate Committee on Finance chairman Sherwin Gatchalian na walang maapektuhang programa sa pagbaba ng pondo ng Senado.
Ipinaliwanag ng senador na malaki ang ibinaba ng budget ng Senado dahil wala nang alokasyon para sa ipinatatayong new Senate building sa Taguig City.
Bukod dito, hindi rin nagamit ng Senado ang capital outlay nito sa ilalim ng 2024 at 2025.
