dzme1530.ph

Anti-Colorum Ops, palalakasin ng MMDA

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patuloy nilang palalakasin ang Anti-Colorum operations upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter.

Ayon kay MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit Head Bong Nebrija, na nito lamang kasagsagan ng pagbiyahe ng publiko para sa Semana Santa, hindi sila tumigil sa pagsasagawa ng operasyon.

Nasa 14 mula sa 19 aniya ang mga pampublikong sasakyang wala na sa linya o wala nang prangkisa karamihan sa mga ito ay mga jeep na inarkila para sa outing.

Kadalasan dito ang initial violation, illegal parking o kaya may on-going violation pag-hinanapan ng lisensya, walang maipakita, walang rehistro o paso na ang rehistro dahilan para ito mai-impound.

Layon din ng operasyon kontra kolorum, upang maprotektahan ang kaligtasan ng mga mananakay at mailayo ang mga ito sa mga nananamantala o naniningil ng sobrang pamasahe.  —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author