dzme1530.ph

Pagpapaganda sa kalidad ng pagta-trabaho sa bansa, hamon pa rin sa kabila ng tumaas na employment rate —NEDA

Nananatiling pagsubok sa gobyerno ang pagpapaganda sa kalidad ng pagta-trabaho sa lahat ng sektor sa bansa.

Ito ang pahayag ng National Economic and Development Authority sa kabila ng tumaas na employment rate o bilang ng mga may trabaho para sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay NEDA sec. Arsenio Balisacan, ang panibagong datos sa workforce ng bansa ay itong patunay ng patuloy na pagbangon ng labor market, at ang pagluluwag ng restrictions ay nag-resulta sa pagtaas ng job prospects para sa mga Pilipino.

Sa kabila nito, sinabi ng NEDA na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagpapaganda sa labor conditions, paglikha ng high-quality jobs, at upskilling and retooling o pagpapataas sa kakayanan ng mga trabahador.

Matatandaang naitala ang 48.8 million na bilang ng mga may trabaho noong Pebrero, na mas mataas ng 3.32 million sa 45.48 million na may trabaho noong Pebrero 2022. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author