dzme1530.ph

Ibat’-Ibang ahensiya, kumikilos na laban sa posibleng krisis sa tubig

Nagkakaisa nang kumikilos ngayon ang iba’t ibang ahensiya sa bansa upang resolbahin ang posibilidad ng pagkakaroon ng krisis sa tubig dulot ng El Niño.

Ayon kay Sevillo David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), nakikipag-ugnayan na sila sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), National Irrigation Administration (NIA) at iba pang ahensya para makagawa ng mga paraan na maiwasan ang epektong idudulot ng El Niño sa pamumuhay ng mamamayan.

Aniya, may inihahanda silang mga contingency plan para maiwasang maranasan muli ang naganap na krisis sa tubig noong 2019 kasama na dito ang mga nadagdag na pasilidad sa Laguna Lake para madagdagan ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

Nanawagan din si David sa publiko na magtipid, ‘wag mag-aaksaya ng tubig, at mag-recycle para mapigilan ang posibleng water crisis sa bansa.

 

About The Author