Itinuturo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang Bureau of Animal Industry bilang pangunahing may sala sa paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, ito’y dahil hindi ginagawa ng B.A.I ang kanilang trabaho, gaya ng mabusising pagsuri sa mga imported na baboy na dumarating sa Pilipinas.
Dahil dito sinabi ni So, na malaki ang posibilidad na lumaki pa ang epekto ng virus sakaling nakapapasok sa bansa ang mga imported na baboy na kontaminado ng ASF.
Dagdag pa ng SINAG chairman, batay sa pahayag ng mga eksperto, hindi agad-agad namamatay ang mikrobyo mula sa ASF, na posibleng mamerwisyo ng halos isang taon.