dzme1530.ph

USA at China, hinikayat ng Pilipinas na magkaroon ng dayalogo sa harap ng mas lumalalang South China Sea at Taiwan disputes!

Hinikayat ng Dep’t. of Foreign Affairs ang America at China na magkaroon ng dayalogo sa harap ng mas umiinit pang tensyon sa South China Sea at Taiwan.

Ito ay matapos sabihin ng China na ang pagdaragdag ng Pilipinas ng apat na bagong lokasyon para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement ay magpapalala ng tensyon sa rehiyon.

Iginiit ni DFA sec. Enrique Manalo na nais lamang ng Pilipinas na palakasin ang economic relationship sa America.

Sinabi pa ni Manalo na kinakailangan ang investments ng America sa agrikultura, food security, clean energy, transportation, at digital infrastructure.

Una nang ipina-alala ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na hindi dapat gamitin ang Balikatan Exercises ng Pilipinas at America para manghimasok sa South China Sea issue.

Ipinalutang din ng mga eksperto na ang Pilipinas ay maaaring magamit ng USA sa pagpu-pwesto ng rockets, missiles, at artillery systems upang labanan ang posibleng pananakop ng China sa Taiwan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author