Hindi ligtas sa Reserved Officers Training Corps (ROTC) program ang mga foreign students.
Ito, ay ayon kay Sen. Ronald ”Bato” dela Rosa sa gitna nang pagsusulong niya ng panukalang ibalik ang ROTC program sa kolehiyo.
Ayon kay dela Rosa, sa isinusulong nilang panukala, ang general rule ay walang exemption kahit mga dayuhang estudyante.
Nilinaw naman ni dela Rosa na may specialized program para sa mga mag-aaral na may kapansanan, mga may paniniwalang panrelihiyon na ipinagbabawal ang paggamit o paghawak ng armas at mga nahatulan sa kasong may kinalaman sa moral turpitude, gayundin ang mga foreign students na naka-enroll sa bachelor degree courses o technical vocational courses.
Sa specialized program ng ROTC, may mga modules na pagaaralan maliban sa pisikal na military training.
Inaasahang mapapalalim ng programa ang pang-unawa at pagtanggap ng mga dayuhang mag-aaral sa Pilipinas, sa mga Pilipino, sa lipunan, sa kultura at gobyerno at magamit ang kanilang potensyal para maging tulay sa pagpapahusay sa kanilang mga bansa katuwang ang Pilipinas.
Kahit naman makumpleto ng foreign student ang kurso at specialized program ng ROTC, hindi naman ito papayagan na maging bahagi ng AFP reserve force. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News