Lumobo sa 10.86 million ang naitalang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport sa unang tatlong buwan ng 2023, mahigit doble kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong, dahil sa muling pagbubukas ng borders ng ibang bansa, gaya ng Hong Kong at China, pati na ang pagluwag ng travel restrictions, ay maraming biyahero ang nagbalik ang kumpiyansa sa paglalakbay, papasok at palabas ng Pilipinas, para mamasyal at magnegosyo.
Ang mga pasahero sa first quarter ay mas mataas ng 158% mula sa kaparehong panahon noong 2022, subalit mas mababa ng 6% kumpara sa pre-pandemic level na 11.59 million noong unang tatlong buwan ng 2019.