dzme1530.ph

PBBM, hinimok ang mga Pilipino na isabuhay ang pagmamahal, pagsisilbi sa kapwa kasabay ng Araw ng Kagitingan

Hinikayat ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na isabuhay ang pagmamahal at pagsisilbi sa kapwa kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.

Sa kanyang mensahe, hinimok ng Pangulo ang publiko na bigyang-pugay ang sakripisyo ng mga bayani sa pamamagitan ng pagtindig laban sa diskriminasyon, pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, at pagsusumikap para sa maayos na hinaharap.

Samantala, ipinagmalaki ng chief executive na sa mga pinagdaanang pagsubok ng digmaan at rebelyon ay nanatiling matatag ang bansa at naipakita nito sa buong mundo ang hindi natitinag na diwa ng bawat Pilipino.

Mababatid na bagamat ginugunita tuwing ika-9 ng Abril ay inilipat ng Pangulo ang Regular Holiday para sa Araw ng Kagitingan ngayong araw ng Lunes, Abril 10. –sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author