Muling hinikayat ng Dept. of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na magpa-rehistro na ng kanilang sim cards kasabay ng pagtatapos ng Holy week.
Ito ay mahigit dalawang linggo bago ang deadline ng mandatory SIM Registration sa Abril 26.
Ayon sa DICT, mahigit 62 million o 36.79% pa lamang mula sa kabuuang 168 million SIM subscribers sa bansa ang nakapagpa-rehistro.
Ibig-sabihin, may nalalabi pang mahigit 63% na unregistered sims.
Iginiit ni DICT sec. ivan john uy na ngayon pa lamang ay dapat nang kumilos upang maiwasan ang aberya ng deactivation.
Una nang sinabi ng DICT na hindi na i-e-extend ang April 26 deadline ng SIM Registration. –sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News