Pinatutuldukan na ng Coordinating Council of Private Education Associations (COCOPEA) ang mga panukalang inihain kaugnay sa pagpayag na makapag-exam ang mga estudyante kahit hindi pa nakakabayad ng kanilang tuition fees.
Binigyang diin ni COCOPEA Spokesperson and Legal Counsel, Atty. Kristine Carmina Manaog, na bagaman ang layunin ng Senate Bill 1359 at House Bill 7584 ay matulungan ang mga estudyante at pamilya nito, marami aniyang private schools ang posibleng magsara dahil sa pagkalugi.
Nakasalalay kasi aniya sa tuition fees ang ipinapasahod sa mga guro at empleyado ng mga pribadong paaralan.
Dagdag pa ng COCOPEA, na kapag hinayaan ang mga estudyante na mag-exam kahit hindi nakakabayad ay magbibigay ito ng maling mensahe tungkol sa ‘financial responsibility’. —sa panulat ni Jam Tarrayo