dzme1530.ph

PILIPINAS ART VIETNAM, NANGAKO NG MAS MATATAG NA PAGTUTULUNGAN PARA SA FOOD SECURITY

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ang National Assembly Chairman ng Vietnam nang mas matatag na commitment sa Food Security na pakikinabangan ng kani-kanilang pamahalaan, ayon sa Malacañang.
Tinalakay nina Pangulong Marcos at Vietnam National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue ang pagkakaroon ng matibay na relasyon ng dalawang bansa nang mag Courtesy Call ang Vietnamese Official kahapon.
Batay sa statement mula sa Palasyo, sinabi ni Vuong na nag-organisa ang kanyang bansa ng Forum para sa Business at Investments ngayong huwebes ng umaga na magbibigay ng bagong Oportunidad sa Vietnamese Businessmen na nais maglagak ng negosyo sa Pilipinas.
Una nang tinanggap ni House Speaker Martin Romualdez ang imbitasyon kasama ang iba pang executives at business leaders mula sa mga kalapit bansa.
Inihayag din ni Vuong na dapat magtulungan ang dalawang Southeast Asian Countries sa larangan ng Turismo, Digital Transformation, Cybersecurity, Defense, at Science and Technology.
Bukod aniya sa Rice Trade, ay maari ring palawakin pa ang kasalukuyang relasyon ng dalawang bansa sa import at export ng Construction Materials, partikular ang semento.

About The Author