Ang pagkain ng almusal sa umaga ay mahalaga upang mapanatiling malakas ang katawan.
Ayon sa mga eksperto, kapag kumakain ng agahan ang isang tao ay makaka-iwas ito sa sakit tulad ng ulcer.
Kabilang sa mga pagkain na maaaring i-konsumo sa umaga ay isda at gulay na mayaman sa mineral at bitamina.
Pwede rin ang pag-inom ng gatas at pagkain ng yogurt. ito ay may taglay na protina, carbohydrates, at fats na nakabubuti sa kalusugan.
Mainam din ang prutas tulad ng saging, mansanas at papaya ngunit limitahan lang sa isa hanggang dalawang piraso.
Maituturing din na healthy breakfasts ang oatmeal at cereals dahil napapababa nito ang mataas na kolesterol sa dugo at mabuti rin ito para sa mga nagda-diet o nagbabawas ng timbang.